top of page
Search

This time, kulayan na ninyo ang mga drawing, besh! HASSLE FREE RESORTS NA MALAPIT SA MAYNILA

Thea Janica Teh

Bulgarific Lifestyle

ANG bilis ng araw, tapos na kaagad ang matagal nating hinintay na bakasyon dahil sa Holy Week. Nasulit ba ninyo ang 4 na araw? Nasulit sa dagat o sa kama? Kaway-kaway sa mga naging team bahay, ito na ang chance ninyo para masulit pa ang summer!

Dahil ayaw nating su­mabay sa mga nagba­kasyon noong Holy Week, narito ang listahan ng beach resorts na malapit lang sa Metro Manila na perfect sa ating summer get-away:

1. ANYA RESORT AND RESIDENCES. Ito ay matatagpuan sa Buenavista Hills Road, Mag-asawang Ilat, Tagaytay, Cavite City, just 1 ½ hour lang mula sa Maynila. Bukod sa pagsu-swimming, mae-enjoy din natin dito ang spa, gym at library. Bisitahin lamang ang kanilang Facebook at Instagram accounts para sa iba pang detalye.

2.LEBLANC HOTEL AND RESORT. Para naman sa mga bes nating medyo sporty, ito ang perfect get-away para sa inyo! Bukod sa pool, mayroon din silang basketball court at billiards. Maaari ring makapag-relax dahil sa ambiance rito. Ito ay located sa 3 Taktak Road, Antipolo City, Rizal. For reservation, bisitahin lamang ang kanilang website sa www.leblanc.com

3. CASA ANGELINA. Kung may mahaba-habang time at gustong makapamasyal with joy ride, ang Casa Angelina na ang puntahan ninyo na matatagpuan sa Purok I, Laoag Cabangan, Zambales. Mae-expe­rience rito ang tropical vibe dahil sa mga room na perfect ngayong summer. Hindi lang ‘yan, ito rin ay magandang surfing spot! Para makapag-early booking, bisitahin lamang ang kanilang website sa www.casaangelinaresorts.com

4. THE CABIN RESORTS. Para sa magbabarkadang mahilig mag-karaoke with chill, ito na ang perfect place para sa inyo! Sa isang bahay na may kayang maka-accommodate ng 10pax sa gitna ng man-made lake, mararamda­man ninyo ang relaxation at siguradong walang mang-iistorbo sa inyong staycation! Ito ay matatagpuan sa ELCOR Compound, Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan.

5. NONI’S RESORT. Para naman sa mga bes nating naghahanap ng lugar kung saan may perfect view na sobrang nakare-relax, dito na ‘yan sa Noni’s Resort! Dahil bukod sa swimming pool, mae-enjoy din dito ang view ng Taal Lake at Mt. Maculot! So relaxing, ‘di ba? Iwas-stress na, iwas-pollution pa! Matatagpuan ang resort na ito sa Ping-as, Alitagtag, Batangas kaya bisitahin na ang kanilang website sa www.nonis resort. com para sa reservation!

Ilan lamang ‘yan sa mga nearest place resorts sa Maynila na maaari nating puntahan. Bukod sa makatitipid tayo sa pamasahe ay mas mahaba pa ang pag-i-stay sa mga resort na ito kaysa sa inyong biyahe. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo mga bes, book na!

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page