PORMAL nang binuksan ang 2019 Arafura Games kung saan may 91 mga atletang mula sa Pilipinas ang sasabak sa kompetisyon.Nagsilbing flag bearer ng bansa si Muay athlete Philip Delarmino, silver medalist noong 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games, sa opening ceremony kahapon sa Darwin Waterfront. Dumating ang delegasyon noong Miyerkules. Matapos ang apat na oras na biyahe ay sasabak ang mga atleta sa 17 sports ng biennial competition.
Sinalubong ang delegasyon ni consul general John Rivas at ilang mga Pinoy workers doon ang nagsilbing volunteer para sa Games na muling ibinalik matapos ang walong taong pagpapahinga ng kompetisyon. Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) national training director Marc Velasco, ang deputy chef de mission ng Philippine contingent na sisikaping magwagi ng mga atleta dito sa Hilagang teritoryo ng Australia. “The delegation is upbeat,” ani Velasco. “They are very excited. I think it’s an advantage that we went on a chartered flight kasi they got to see kung sino ‘yung ibang tiga-Team Philippines. Last night, they were talking to each other which is a good sign that they will support each other.” (MC)