PATAY ang isang lalaking wala umano sa tamang pag-iisip makaraang tumalon mula sa ikalimang palapag ng isang mall sa Maynila.
Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng Comelec ID na nakuha sa bulsa ng short nito na si Artemio Bunque, 54, residente ng Paang Bundok, Quezon City.
Nakasuot ang biktima ng gray na t-shirt at maong short nito at may taas na 5’2” hanggang 5’5” at nasa edad 25-30.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente kung saan bumagsak ang biktima sa basement ng nasabing mall.
Sinabi ni Diosdado Veloso, 64, nasa ikalimang palapag siya at planong manood ng sine nang mapansin ang biktima na nakahawak sa security fence.
Kasunod nito, biglang tumalon ang biktima na kanyang ikinagulat.