top of page

Sanhi at lunas sa ubo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2019
  • 2 min read

Dear Doc Shane,

Ano ang mga po­sib­leng dahilan kung bakit inuubo ang tao? Ito ba ay sintomas lang ng sakit at gaano katagal ang ubo bago inuman ng gamot? Gayundin, ano ang ibig sabihin ng mucolytic at expectorant na mga cough syrup? Sana, ma­ipaliwanag ninyo ang tungkol dito. — Cristina

Sagot

Ang ubo ay sintomas ng mga sakit na maaa­ring konektado sa dalu­yan ng paghinga o baga at maaaring magkaiba ayon sa virus o bacteria na nagdulot nito.

Mayroong iba’t ibang sanhi ang ubo kaya nagkakaiba-iba rin ang lunas nito.

Ang ubo ay maaaring dulot ng virus o bacteria. Kung ito ay dulot ng virus o pagkahawa, maaari itong mawala ng kusa sa loob ng isang araw o isang linggo, ngunit, kung ito ay dulot ng bacteria, kadalasan, nangangailangan ito ng antibiotics.

Gayunman, may mga uri ng ubo na ma­lub­ha tulad ng ubong tuma­tagal o chronic cough na maaaring dulot ng tuberculosis (TB). Hindi basta nawa­wala ang chronic obs­tructive pulmonary disease (COPD) o ubong sanhi ng hika o asthma.

Mayroon ding ubo na dulot ng paniniga­rilyo (smoker’s cough), trangkaso o allergy. Sa puntong ito, importan­teng malaman ang sanhi ng ubo bago humanap o gumawa ng solusyon upang puksain ito.

Narito ang karani­wang lunas para sa ubo:

Sa karaniwang ubo, maaaring uminom ng gamot na mabibili sa botika. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga decongestant na tumutulong upang pa­ginhawain ang lalamu­nan tulad ng pseudo­ephedrine at phenylephrine. Maaari ring uminom ng expectorant na inirerekomenda para sa may halak tulad ng dextromethorphan.

Gayunman, tandaan na hindi nakabubuti ang madalas o sobrang pag-inom ng gamot sapagkat maaari itong magdulot ng allergy o paghina ng immune system.

Narito ang tatlong uri ng gamot laban sa ubo:

Expectorant — tinutulungan nitong ilabas ang plema na bumabara sa lalamunan na nagdudulot ng ubo. Ito ay kadalasang inire­rekomenda sa mga ubong may halak o ‘pu­muputok’. Ang kilalang halimbawa ng gamot na ito ay ang guaife­nesin.

Mucolytic — pi­na­­lalambot nito ang makapal at malagkit na plema na humaharang sa daluyan ng hangin upang ito ay madaling ilabas at tuluyang mawala ang ubo.

Antitussive — kadalasan, ito ay iniha­halo sa expectorant para sa mas epektibong lunas.

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page