top of page
Search

REVIVAL NG GO-FOR-GOLD BOXING, PAKAY NI ONYOK

Clyde Mariano

BILANG malapit sa kanyang puso ang boxing at nakilala sa mundo sa kanyang silver medal finished sa 1996 Atlanta Olympics, sinabi ni Mansueto Velasco na kilala sa palayaw na “Onyok”, na kailangang i-revive ang “Go for Gold” Boxing competition para makatuklas ng magagaling na boxers na kakatawan sa ‘Pinas sa mga international boxing tournaments tulad ng SEA Games, Asian Games, Olympic Games at World Boxing.

Sinabi ito ni Velasco sa panayam sa kanya sa Philippine Sports Commission kung saan hinirang siyang boxing consultant at upang tulungan ang PSC na mapalakas ang programa at makatuklas ng maga­galing na boxers kung saan mayaman at sagana sa kanayunan dahil si Velasco ay natuklasan ng “Go for Gold” na galing sa Bago, Negros Occidental.

Kung maaalala, pinanood ni Velasco ang PSC-Pac­quiao Boxing Cup at ayon sa kanya maraming natuk­lasan na mga magagaling na boxers.

Malapit sa puso ko at ang kapatid kong si Roel ay produkto ng ‘Go for Gold.’ Ito ang dahilan kung bakit gusto kong i-revive ang boxing program na ito dahil very effective ‘to”, pahayag ni Velasco.

Matapos magretiro ay nagtayo si Velasco ng boxing gym sa Makati at nagsasanay ng mga batang boxers. Si Roel ay nanalo ng tanso sa 1992 Barcelona Olympics. Nagretiro si Roel at naging coach sa ABAP kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si Nolito.

Ang boxing ang tanging sport na nanalo ng dala­wang pilak at tatlong tanso sa Olympic Games. Nagwagi si Anthony Villanueva ng pilak sa Tokyo noong 1964 at si Velasco sa 1996 Atlanta at nasungkit ni Jose “Cely” Villanueva, ama ni Anthony sa Los Angeles noong 1932, Leopoldo Serantes 1988 sa Seoul, at Roel Velasco 1992 sa Barcelona.

Maliban sa pilak sa Atlanta Olympics, nanalo rin si Velasco ng ginto sa 1991 SEA Games sa Manila at 1993 sa Singapore kung saan dinomina ng mga Pinoy ang boxing noong 2015 edition. Nanalo rin si Velasco ng ginto sa Hiroshima Asian Games noong 1994.

Ang boxing ay consistent medal producer sa Southeast Asian Games, Asian Games, Asian Boxing, at World Boxing Championship.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page