HINDI sa akin, hindi sa iyo, kaimito! Charot! For sure, isa rin kayo sa mga beshy natin na mahilig sa kaimito dahil masarap at matamis ito.
‘Yung tipong kapag natikman ninyo, eh, maaadik kayo at mapabibili pa ng tatlong kilo. He-he-he! Kidding aside, alam ba ninyo na ang kaimito ay kering makapagpalinaw ng mga mata at nakapagpapawala ng lagnat?
Talaga ba?
Ayon sa mga eksperto, ang kaimito ay isa sa mga prutas na inirerekomenda nilang kainin dahil mayroon itong Vitamins C at A, calcium at mineral. Ibig sabihin, nakatutulong ito upang ma-strengthen ang ating mga buto at ngipin, gayundin kaya nitong gamutin ang mga sintomas ng premenstrual syndrome tulad ng abdominal bloating at cramps.
Gayunman, ang nasabing prutas ay may dietary fiber na mainam para sa digestive system, kaya naman malaki ang tendency na ma-prevent nito ang constipation at cancer of the colon.
Dagdag pa rito, kayang kontrolin ng kaimito ang sugar level kaya mainam ito para sa mga taong may diabetes.
Samantala, ang iron deficiency anemia ay common type ng sakit sa dugo kung saan kaya itong pagalingin ng nasabing prutas dahil sa taglay nitong iron na nakapagpo-produce ng hemoglobin, ang protein molecule na responsable sa pagbibigay ng oxygen mula sa baga patungo sa iba’t ibang parte ng katawan.
Maliban pa rito, dahil epektibong gawing alternatibo ang kaimito sa iba’t ibang medikasyon, kahit na umano ang lagnat at pagkakaroon ng sugat ay kaya nitong pagalingin. Woah, bongga!
Kung saan ang paalala ng mga expert, make sure lang na ang kakaining kaimito ay ‘yung sariwa at hindi ‘yung nalamog.
Oh, ayan, mga ka-BULGAR, bukod sa pakwan, pinya at mangga, bumili na rin kayo ng kaimito na helpful para sa ating kalusugan.
Gusto n’yo ‘yun?