top of page

Dapat daw tayong magnilay-nilay, mga lodi! MGA PAMAHIIN TUWING SEMANA SANTA, ALAMIN!

  • Jersey Sanchez
  • Apr 15, 2019
  • 2 min read

KILALA tayong mga Pinoy na “mapamahiin” o malakas ang paniniwala sa mga pamahiin na naipasa ng mga nakatatanda sa atin. Sa panahon ngayon, marami na ang hindi naniniwala sa mga ganito, pero mayroon pa ring ilan na patuloy na naniniwala rito. Bagama’t, marami nang nagbago, balikan natin ang ilang pamahiin na pinaniniwalaan natin tuwing Semana Santa:

1. YOU CAN’T HAVE A WOUND. Noong mga bata pa tayo, ito ang sinasabi sa atin ni nanay, lalo na kung Mahal na Araw. Paniniwala nila, kapag nagkasugat ka sa panahong ito, matagal daw bago gumaling ang sugat mo o hindi na ito gagaling. Hala!

2. TAKE A BATH BEFORE 3:00 P.M. Ito ang chance ni nanay para mapaligo tayo nang maaga dahil sabi nila, kailangan mong maligo bago mag-alas-3:00 ng hapon kapag Biyernes Santo. Ito ay dahil kapag hindi ka umano naligo bago mag-alas-3:00 ng hapon, mamalasin ka.

3. YOU CAN’T TRAVEL. Bakit? Eh, ito lang ang panahon na puwede kang magbakasyon, pero bawal pa rin? Ayon sa matatanda, ang Semana Santa ay panahon para magnilay-nilay kaya mas mabuting manatili na lang sa bahay, gayundin, takaw-aksidente umano ang paglabas sa naturang panahon. ‘Yun lang!

4. IT MUST BE QUIET. Bawal din umanong mag-ingay dahil bukod sa nakaiistorbo ng mga kapitbahay, nabubulabog din ang mga masasamang espiritu sa paligid, partikular kapag Biyernes Santo.

5. ‘PALASPAS’ ON MAIN DOOR. Konektado rin ito sa mga espiritu, besh! Maraming naniniwala na ang paglalagay ng palaspas sa main door ng bahay ay mahalaga dahil keri raw nitong itaboy ang masasamang esperitu at kamalasan. Aha!

6. RAIN ON EASTER SUNDAY. ‘Ika nga nila, senyales ng blessing ang pag-ulan.

Pero, ayon sa matatanda, kapag umulan sa Easter Sunday, ang tubig-ulan daw na ito ay holy water na nagtataglay ng healing powers. Wow!

For sure, mayroon sa mga pamahiing ito ang sinunod ninyo noong mga bata pa kayo at may ilan ding patuloy na sinusunod sa makabagong panahon. ‘Ika nga nila, walang mawawala kung susubukan mong maniwala.

Have a peaceful Holy Week, mga ka-BULGAR!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page