top of page
Search
BULGAR

Babala ng experts... PAGHUHUGAS SA ITLOG NG MANOK BAGO KAININ, BAD SA HEALTH!

NAKASANAYAN natin na hugasan ang mga pagkain bago ito lutuin dahil pagdating sa mga ini-intake natin, the cleaner, the better. Agree? Bagama’t, nakasanayan itong gawin, may mga pagkaing hindi da­pat hugasan dahil imbes na magdulot ito ng maganda, eh, lalo pa itong naka­sasama. Mga besh, knows ba ninyo na ang itlog ay dehins dapat hugasan? Weh, ‘di nga?

Ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), mayroong regu­lasyon na nagre-require na hugasan ang commer­cially produced na mga itlog.

Ang proseso ay nagta­tanggal ng protective coa­ting na “bloom” o “cuticle” mula sa surface ng itlog.

Sey ng experts, kapag nahugasan ang itlog, ang film ng edible material na oil ay napupunta sa sur­face nito kung saan ang film ang nagpoprotekta sa itlog mula sa mga bakterya na posibleng mapunta rito.

Bagama’t, ilang indi­bid­wal na ang tumigil sa paghuhugas ng itlog da­hil sa paniniwalang ito, ma­rami pa rin ang patuloy na naghuhugas nito.

Gayunman, ayon sa USDA at mga eksperto, hin­di umano kailangang hugasan ang mga itlog da­hil lalong kumakalat ang bakterya rito.

Babala ni Amy Leigh Mercree, holistic health ex­pert at author ng The Mood Book, ang paghu­hugas sa itlog bago lutuin ay nag­pu-push ng bak­terya rito sa pamamagitan ng tubig.

Gayundin, dahil may kakayahang mag-absorb ang surface ng itlog, mas mataas ang tsansa na ma­pasok ito ng bakterya at makain ng indibidwal.

Samantala, ang “farm-fresh eggs” ay hindi uma­no sumasailalim sa proseso ng paglilinis tulad ng com­mercially produced na itlog.

Kaya kung galing ito sa farm o ikaw mismo ang nag-harvest, inirereko­menda pa rin niya ang hin­di paghuhugas dito, ngu­nit, kung sa tingin mo, eh, kailangan itong hugasan, mabuting gumamit ng ma­ligamgam na tubig.

Maliban pa rito, kung galing umano ito sa su­permarket, mabuting hu­wag na itong hugasan da­hil dumaan na ito sa pro­seso ng tamang paglilinis, gayundin para hindi ku­makalat ang bakterya.

Oh no! Dehins natin alam na ang nakasanayan nating gawin, eh, naka­pag­dudulot ng masama sa ating kalusugan.

Remem­ber, walang ma­sama sa pagiging ma­ingat sa mga pagkaing ating kinakain, pero make sure na ang pag-iingat na ginagawa natin, eh, naka­tutulong talaga.

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page