Para sa mga ready ng bumiyahe riyan, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA LIGTAS NA SEMANA SANTA
- DONNABELLS
- Apr 14, 2019
- 1 min read

MAGHO-HOLY WEEK na, for sure, excited na ang lahat na magbakasyon, pero bago ‘yun, safety first, mga besh! Oo, totoong masayang mag-travel kasama ang pamilya at kaibigan, pero paano kung sa biyahe ay hindi ka nag-ingat? Hmmm…
Kaya, narito ang ilang safety tips para sa ligtas na Semana Santa:
1. SECURE BELONGINGS. Importante na ma-secure natin ang ating mga gamit, lalo na ngayong marami ang bumibiyahe, sayang naman ‘yung mga binili ninyong swimsuits at pang-awra kung mananakaw din naman pala. ‘Yun lang!
2. DON’T LEAVE WHEN YOU’RE NOT FEELING WELL. Relate? Huwag na ninyong ipilit kung dehins mabuti ang pakiramdam ninyo, mga lodi! May tendecy kasi na maaksidente kayo, partikular kung ikaw ang magmamaneho o ang punong-abala sa trip ninyo.
3. BE ALERT. ‘Ika nga, maging alisto tayo sa lahat ng oras, especially, kung may kasamang mga bata dahil panigurado sasamantalahin ng mga kawatan ang pagkakataong ito upang gumawa ng masasamang gawain. Tsk! Wala na silang pinipiling oras at panahon.
4. PRIORITIZE THINGS. Huwag pagsabay-sabayin ang mga gawain, kung may itinerary, dapat maayos ang pagkakagawa rito para hindi masasayang ang oras ninyo. I-enjoy ang bakasyon dahil minsan lang ‘yan. Ganern!
5. DON’T TALK TO STRANGERS. Hindi naman sa pagiging masungit, pero mas okay ng maging masungit kaysa mapahamak. Kung may mga makasasabay kayo sa biyahe na sa tingin ninyo, eh, hindi na pangkaraniwan, iwasan na ninyo sila, mga lodi! Sa panahon ngayon, dapat mas maging maagap tayo para dehins tayo magsisi sa huli. Okie?
Oh, ayan, mga besh, ngayong alam na natin ang mga paraan upang maging ligtas sa biyahe at iba pang ganap, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito. Copy?
Comments