Ayon sa mga eksperto... PATOLA, EPEKTIB NA PANLABAN SA KANSER!
- BULGAR
- Apr 8, 2019
- 2 min read

PATOLA, minsan gulay, pero madalas, ‘yung mga tropa mong hindi madaan sa biro. Charot! Ha-ha-ha! Usapang patola, for sure, kaunti lang sa mga bata ngayon ang kumakain nito dahil puro itlog, hotdog, fried chicken ang kanilang paborito. Pero, tulad ng ilang mga gulay, may magandang benepisyo rin itong maidudulot sa ating kalusugan kung saan alam ba ninyo na keri nitong alisin ang mga cancer cell na maaaring tumubo sa ating katawan? Wow!
Ayon sa mga eksperto, ang patola ay mayaman sa Vitamin C at antioxidant na tumutulong sa katawan upang maging matibay at labanan ang epekto ng free radicals.
Base sa pag-aaral, keri nitong i-prevent ang pagtubo ng cancer cells, gayundin ang pagkakaroon ng diabetes.
Gayunman, kung medyo lumalabo na ang inyong mga mata, ang Vitamin A na mayroon ang patola ay mainam umano rito ayon sa Medical Science. Ito ay dahil ang bitaminang ito ang nagpapa-sharpen ng ating vision.
Sakto ngayong tag-init kung saan ang pawis ay abot hanggang singit, sinabi ng mga reseacher na ang patola ay may sapat na amount ng Vitamin C na beneficial para sa balat kung saan kaya nitong alisin ang ating dry skin. Naks!
Samantala, sa mga frienny natin diyan na maputla at kulang sa dugo, ito na ang solusyon ninyo para riyan dahil ang patola ay great source ng Vitamin B6 o pyrodoxine na importante sa pagpo-produce ng hemoglobin sa dugo na nakatutulong upang i-mobilize ang iron at oxygen na mayroon tayo sa ating katawan.
Dagdag pa rito, ito rin umano ay may zinc na nagmamantina sa blood process upang maging maganda ang daloy nito, gayundin na makaiwas tayo sa sakit dahil sa kakulangan sa dugo.
Kaya ang payo ng mga dalubhasa, kumain tayo ng patola dahil bukod sa masustansiya ito, eh, nakapapayat pa!
Oh, ayan mga beshy, oks lang maging patola, pero mas oks kung kakain kayo nito dahil healthy ito for our body.
Copy?