MARAMI sa atin ang nabubuwisit na dahil sa kakulangan ng tubig, ‘yung tipong kung kailan ka maliligo ay saka walang tubig, kainis, ‘di ba? No choice kundi ang hindi maligo. Eww! Kaya naman para masolusyunan ito kahit papaano, tayo na muna ang mag-adjust, mga besh! Narito, ang ilang paraan para makatipid sa pagkonsumo ng tubig:
1. TURN OFF THE TAP WHILE BRUSHING YOUR TEETH. For sure, marami ang magi-guilty dito, pero sa totoo lang, sa hindi maipaliwanag na dahilan kahit hindi pa tayo magmumumog ay binubuksan na kaagad natin ang gripo at ito ang dapat nating baguhin lalo na ngayong nagkakaubusan ng tubig.
2. SHOWER BUCKET. Sa tuwing maliligo, make sure na ‘yung medyo malinis na tubig na pinagliguan, lalo na kapag ang tubig ay gagamiting pandilig sa mga halaman o kaya ay panlaba sa mga basahan. Gets mo?
3. FIX YOUR LEAKS. True, ‘yung kahit tipid na tipid ka na, pero dahil may sira ang gripo ninyo, eh, nasasayang ang tubig. Isipin ninyo kahit patak lang ‘yan, kung araw-araw naman, malamang na makapuno na ‘yan ng isang balde. Ganern!
4. ADJUST WHEN TAKING A BATH. Kung dati ay wala kang pakialam kung nakakailang balde ka ng tubig sa tuwing maliligo, make sure na babaguhin mo ito dahil hindi lang ikaw ang maliligo, besh, tandaan mo na may iba ka pang kasama sa bahay ninyo.
5. FLUSH WITH LESS. Kapag magbubuhos ng inodoro, kering gamitin ang tubig na pinagbanlawan ng labahin o kaya ay hugasin. Huwag tapon nang tapon dahil maaari natin itong panghinayangan sa ibang panahon tulad ngayong tag-init.
Kaya mga besh, para mabawasan din ang mahal na bill sa tubig, tipid-tipid din ‘pag may time at huwag ubos-biyaya dahil tayo rin ang magiging kawawa. Gets mo?