SINO ba ang hindi kumakain ng pipino riyan? ‘Yung inilalagay sa suka na may paminta o kaya ay ketchup na may mayonnaise, sarap, ‘di ba? Pero, wait at hinay-hinay lang sa pagkain dahil importante ring malaman natin kung ano ang mga benepisyong maidudulot nito sa atin. Hmmm…
Sa pag-aaral, sinasabing ang pipino umano ay nakapoprotekta ng utak ito ay dahil sa taglay nitong anti-flammatory flavonol na tinawag na fisetin na may importanteng role sa kalusugan ng utak at dahil dito maaagapan natin ang pagkakaroon ng Alzheimer’s disease.
Gayunman, maging ang malalang sakit tulad ng kanser ay kaya rin nitong bawasan ang panganib kabilang dito ang breast, urine, ovarian at prostate cancer.
Samantala, dahil sa antioxidant properties ng pipino, maraming bitamina ang naibibigay nito sa ating katawan kung saan maging ang pagkakaroon natin ng bad breath ay keri nitong solusyunan, ito ay dahil kaya nitong i-release ang sobrang init na mayroon tayo sa tiyan na isa sa mga dahilan kung bakit bumabaho ang ating hininga. Eww!
Dagdag pa rito, maging ang ating mga mata ay kaya nitong tulungan upang hindi ito magmukhang pagod, lalo na at karamihan sa atin ay mahilig magpuyat, alam n’yo na, ha?
Pero, mas mainam kung bago kainin o ilagay sa parte ng katawan ang pipino ay ilalagay muna ito sa refrigerator dahil nakadaragdag ng benepisyo ang pagiging malamig nito.
Kaya ang payo ng mga eksperto, ituloy lang ninyo ang pagkain ng pipino dahil oks na oks ang mga benefit nito sa mga matatanda at bata. Wow!
Oh, ayan mga beshy, ngayong alam na natin kung ano ang kayang gawin ng pipino sa ating buhay, make sure na isasama na natin ito sa ating daily meal routine.
Be healthy inside and outside, mga beshy!
Copy?