top of page
Search

Patubig sa irigasyon sa Bulacan at Pampanga, binawasan

V. Reyes

BINAWASAN ng Na­tional Irrigation Authority (NIA) sa Central Luzon ang dami ng tubig na ipinalalabas nito para sa irigasyon ng mga sakahan sa Bulacan at Pam­panga.

Kaugnay ito ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa gitna ng na­raranasang El Niño. Ayon kay NIA-Bulacan Director Felix Robles, aabot na lang sa 35 cubic meters per second (m3/s) mula sa dating 40 m3/s ang irigasyon para sa libu-libong ektarya ng sakahan sa dalawang lalawigan.

Gayunman, tiniyak ni Robles na sapat pa rin ang nasabing alokasyon para ma­suplayan ng tubig ang may 27,000 ektarya ng taniman.

Sakaling magpatuloy ang epekto ng dry spell, posib­leng tuluyang ipatigil ang iri­gasyon sa Bulacan at Pam­panga upang matugunan ang pangangailangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila. Samantala, mahigit P5 bilyon na ang halaga ng pin­sala sa mga produktong pang-agrikultura.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page