top of page
Search
BULGAR

DON BOSCO DUMAGUETE, HOST NG NBA VISAYAS CAMP

UMUSAD ang Jr. NBA Philippines ng Alaska sa Dumaguete sa unang pagkakataon upang ihatid ang league’s youth basketball participation program sa St. Louis School of Don Bosco sa Marso 30-31.

Ang Visayas Regional Selection Camp ay ikatlo sa Jr. NBA Philippines selection camp ng 2019 para sa batang lalaki at babae na may edad 10-14.

Magtuturo sina Jr. NBA coaches Rob Newson ng NBA at PBA Legend Jeffrey Cariaso ng basketball fundamentals at ibabahagi rin ang core S.T.A.R. values ng Sportsmanship, Teamwork, Positive Attitude at Respect sa participants sa two-day event.

Sinimulan ito ng 7 a.m. nitong Marso 30, at bibigyan ang aspiring Jr. NBA All-Stars ng serye ng skills stations na susuri sa husay nila sa dribbling, passing, shooting, lay-ups at footwork.

Ang top performers sa unang araw ay papasok ng Linggo para sa advanced basketball concepts, team exercises at scrimmages para sa pag-aagawang slots na katawanin ang Visayan region sa Jr. NBA Philippines National Training Camp sa Don Bosco Technical Institute Makati sa Mayo 17-19.

Ang outstanding athletes na napili sa Dumaguete Regional Selection Camp ay magiging bahagi ng top 40 boys at 40 girls sa Regional Selection Camps sa Lucena (Marso 9-10), Baguio (Marso 23-24), Butuan (Abril 13-14), Metro Manila (Abril 27-28) at Alaska Po­wer Camp. (MC)

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page