top of page
Search
BULGAR

Masaya ni: Jored

Masaya tayong dalawa, naglalakad sa kawalan.

Walang makapipigil dahil tayo ay nagmamahalan.

Hinihiling na sana ay wala ng katapusan dahil hindi alam ang gagawin kung ikaw ay lilisan.

Masaya ako tuwing ikaw ang kasama ko, sana

wala ng humadlang sa relasyon nating ito.

Hindi maitatanggi na binago mo ang buhay ko,

dinagdagan ng kulay at pinaganda mo.

Masaya ako sa piling mo, ang tanong ganundin ba ang nararamdaman mo?

Kung oo, nangangako ako na kahit kailan ay hindi ka sasaktan

dahil ikaw sa akin ay nag-iisa lang.

Darating ang panahon na maghihiwalay tayong dalawa, pero sisiguraduhin

kong tayo ay matanda na.

Aalagaan ka kapag may sakit ka, ipagtitimpla ng kape kapag inaantok ka.

Walang makapapantay sa pagsasama nating dalawa.

 

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page