top of page

Grade 7 ni-rape ng manliligaw

  • V. Reyes
  • Mar 19, 2019
  • 1 min read

BUGBOG-SARADO na nang madakip ng mga pulis ang lalaking suspek sa panghahalay sa kanyang nililigawang 14-anyos na babae sa Bgy. Old Balara, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Jag Loyd Sasutil, 21, construction worker.

Sa salaysay ng ina ng biktima, inutusan nito ang anak na si alyas Yanah na hanapin ang apat nitong kapatid dahil kakain na ng hapunan.

Gayunman, lumipas na ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang dalagita.

“May pumunta po sa amin na inaanak po ng tatay ko na nagmalasakit sa akin na, ‘ate ‘yung anak mo nakita ko doon sa tabing-ilog, niyaya ng lalaki,’” ayon sa nanay ng biktima.

Hindi na nila naabutan ang suspek at ang kanyang anak sa tabing-ilog sa halip, natagpuan na lamang nila ang mga ito sa sagingan na kapwa nakahubad.

Giit ng ina ni ‘Yanah’, tinakot ang kanyang anak nang isinagawa ang panghahalay dito.

Umamin umano si Sasutil sa krimen matapos siyang bugbugin ng mamamayan.

Gayunman, giit ng suspek, hindi niya pinilit ang dalagita na kanya itong nililigawan.

Desidido naman ang pamilya ni ‘Yanah’ na kasuhan ang suspek.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page