"LOVE wins” ang hashtag ng mga nag-post ng pictures last Tuesday sa taping ng Gandang Gabi Vice episode na ipinalabas kagabi (Linggo). Inamin na raw kasi ni Vice Ganda ang tunay na estado ng relasyon nila ng Kuya Escort na si Benigno “Ion” Perez.
Ayaw naming mag-jump into conclusion na ang sinasabing “relasyon” nina Vice at Ion ay as in magdyowa na sila. Unang-una, ‘di namin sure kung sinu-sino ang mga nag-post sa social media tungkol kina Vice at Ion.
And besides, nagkalat ang FAKE NEWS sa social media, ‘di ba? Kaya ayaw naming makuryente, ‘noh!
Pero grabe naman ang mga nabasa naming comments ng netizens sa mga naglabasang posts tungkol kina Vice at Ion.
Isa na rito ang nagngangalang Leria Workman na nag-post ng kanyang comment. Para sa kanya, kawawa raw si Ion dahil sa pagpatol kay Vice na tinawag niyang bakla at ‘old pa.’
And more reason kaya ayaw naming patulan ang isyu kina Vice at Ion ay dahil napapanood namin nang madalas sa It’s Showtime na may RULE kiyeme-kiyeme raw sila sa show na bawal magkaroon ng romantic involvement ang mga hosts nila. Kasi nga, ang paandar nila, they are one big, happy family.
Anyare?
Well, just for the sake of discussion na kung sila na talaga, ang bilis namang kumalat ang mga ‘di kagandahang tsika about Ion.
Usap-usapan sa isang showbiz umpukan ang mga nakakawindang na kuwento about Ion. May tsika na hina-hunting diumano si Ion ng isang becki na pinagkakautangan niya ng P100 K. True kaya ‘to?
And if ever true lahat-lahat ang tsika, siguro naman ay matutulungan na si Ion ni Vice na i-settle ang kanyang pagkakautang, ‘di ba?