top of page
Search

Araw ni: Jeo

BULGAR

Kadiliman ay ang mga pagsubok at problema,

ang liwanag ay nagbibigay ng ginhawa at saya.

Ngunit, kung ilalarawan ko ay ikaw,

ika’y liwanag ng lahat ng aking ilaw.

Iyong itinanong kumusta ang aking araw,

aking sagot ay ang araw ko’y ikaw.

Lumiliwanag maging ang gabi,

sa oras na ikaw ay aking katabi.

Aking taas-noong maisasambit,

na kayang tiisin lahat ng sakit.

Sapagkat sa oras na ikaw ay makita,

aking puso’y napupuno ng ligaya.

Ang aking buhay ay puno ng pagpupunyagi

sapagkat lahat ng liwanag ay ikaw ang sanhi.

Kung may isang bagay akong hihingin,

tanging hiling, ako sana’y maging ilaw mo rin.

 

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page