![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_1844502af6bd4ded9dad547d37c51559~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/5376bf_1844502af6bd4ded9dad547d37c51559~mv2.jpg)
DAHIL problemado sa pera sa kanilang negosyo kaya nagpatiwakal ang 39-anyos na negosyante kahapon ng umaga sa Maynila.
Nagbigti gamit ang nylon cord ang biktimang si Ryan Flores Calanasan, negosyante at nakatira sa Sta. Ana, Manila.
Alas-10:00 ng umaga nang matagpuang wala ng buhay ang biktima sa kanyang silid.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSGT. Dennis Suba ng Manila Police District-Homicide Section, huling nakitang buhay ang biktima ni Mirasol Simon Ibarra, noong Marso 5 ng alas-11:00 ng umaga.
May nakita rin ang mga awtoridad na suicide note sa tabi ng biktima na humihingi siya ng kapatawaran sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Sinabi naman ng kasosyo ng biktima na si Catherine Santos na nagbigay siya ng halagang P200,000 para sa kanilang lending business pero, ang dapat nilang bayaran na kabuuan ay halagang 390,000.
Hinala ni Santos na walang makunan ng pera ang biktima kaya minabuti nitong magbigti na lamang.