top of page
Search
BULGAR

DELIÑA NG UP, GOLD SA APAC DISCUS THROW


KAHIT kulang sa training, ipinakita ni Ed Deliña ng University of the Philippines ang kanyang tikas sa discus throw matapos sikwatin ang ginto sa Day 1 ng Ayala Philippine Athletics Championships (APAC) sa Ilagan, Isabela, kahapon.

Itinarak ni Deliña, 18 ang 44.75 sapat upang hamigin ang ginto sa event na magtatapos sa Marso 8.

Inamin ni Deliña na medyo kulang siya sa training pero nanatili ang determinasyon na makuha ang gold medal sa event na suportado ng City of Ilagan, Ayala Corporation, Philippine Sports Commission at Asian Athletics Association.

“Masaya kahit kulang sa training dahil exams namin sa school kaya hirap humabol sa training,” ani Deliña na nagsimula sa discus noong 9-anyos siya.

Sinabi rin ni Deliña na dahil matagal na rin siyang naglalaro ng nasabing sport ay inaasahan niya na mananalo siya ng ginto.

Nasikwat ni Richard Solaño ng Philippine Army ang unang ginto nang manalo sa men’s 10,000 meters, inilista ang 31 minuto, 42.31 segundo, napunta kay Rafael Poliquit ng Philippine Air Force ang silver habang napunta ang bronze medal sa isa pang Phil Air Force na si Anthony Nerza. “Double pressure ako kasi nasa team na ako tapos kailangan i-defend ko title ko kaya double effort din sa training.”

Galing sa injury si Solaño pero nalampasan niya ang naitalang tiyempo nito nakaraang taon na 32 minuto at 20 segundo.

Hinablot ni Christine Hallasgo ang gold sa women’s 10,000 meter, (38:39.27) pumangalawa si Janice Nerza, (42:39.27) habang tersero si Maria Lyka Sarmiento, (46:36.08). (ATD)

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page