top of page
Search

Para maiwasan din ang mga pagbaha, besh... 6 NA PARAAN UPANG MAALAGAAN ANG KALIKASAN

Justine Daguno

KADA taon, nakararanas tayo sa buong mundo ng iba’t ibang uri ng natural disaster tu­lad ng bagyo, lindol, sea level rise, pagtaas ng temperatura at iba pa. Well, totoo talaga ang climate change at dahil tayo ang may responsibilidad sa pangangalaga sa kalikasan, gaano ba tayo na­katutulong para hindi ito ma­abuso? Ang “reduce, reuse and recycle” ang tat­long R sa waste hierarchy o ‘ika nga, pinaka-ba­sic na dapat alam nating lahat at bilang karagdagan, narito ang ilan pang mga paraan na puwede nating gawin para makatulong na mai-save si Mother Earth:

1. BRING YOUR OWN TUMBLER. Imbes na bumili ng mga bottled mineral water, gumamit na lang tayo ng tumbler bilang lagayan ng tubig. Sa paraang ito, maiiwasan natin ang paggamit ng plastik at hindi na natin madarag­dagan ang mahigit 100 million water bottles na idini-disposed, araw-araw. Tsk, tsk, tsk!

2. NO TO STRAW/STIRRERS. Ayon sa Onegreenplanet.org, halos 500 million plastics straws/stirrers ang nagagamit kada araw. OMG! Sobrang alarming ito dahil ang mala­king porsiyento ng basura ay itinatapon lang sa ilog, sapa, dagat at iba pang anyong tubig kung saan halos 100,000 water creatures ang naaapektuhan at ang masama pa rito, nama­matay sila dahil sa plastic pollution. Maraming mga nauusong eco-friendly straws ngayon tulad ng bamboo at metal straw, please, ‘yun na lang ang gamitin natin, mga beshy!

3. HANDCARRY THINGS. Kapag namimili tayo sa grocery, palengke o saan­man, huwag na tayong gumamit ng plastic bags, lalo na kapag isa o dalawa lang naman ang binili natin. Hangga’ t maaari ay bitbitin o ilagay na lang natin ito sa bag nang sa gayun ay mabawasan ang pagkonsumo natin sa nakapipinsalang plastik. Okidoki?

4. PICK-UP STRAY LITTER. Kung may time tayo sa paglilinis ng ating katawan, partikular sa mukha, dapat may time rin tayo sa paglilinis ng paligid natin. Hindi naka­babawas ng kagandahan o kapogian ang simpleng pagtatapon ng kalat sa basurahan. Isa pa, kung may nakita tayong kalat tulad ng plastic sachets, bottled water o anuman ay kunin na lang natin at huwag nang mag­hintay na may dumating pa na tagalinis. Gets?

5. WALK. Makatutulong tayong ma­bawasan ang carbon production sa simpleng paglalakad. Kung hindi naman ganu’n ka­layo ang pupunta­han natin at keri naman itong lakarin, huwag na tayong maglabas o gumamit ng sasakyan at maglakad na lang tayo. Sa paraang ito, nakatutulong na tayo kay Mother Earth, mai-improve rin natin ang ating kalusugan, #Cardio, frenny!

6. EVERY BEACH DAY IS CLEAN-UP DAY. Bukod sa bakasyon at pagre-re­lax, subukan din nating gawing mas makabu­luhan ang pagpunta sa mga beach. Halimbawa, ‘yung simpleng pagkolekta ng mga debris at basurang ma­kikita natin sa dalampasigan ay itapon natin sa tamang basurahan. #Swimandsave, ganern!

7. JOIN ENVIRONMENTAL GROUPS. Isa pang paraan para mas ma­katulong tayo sa pag-save kay Mother Earth, maaari tayong sumama sa mga taong mayroong ganitong layunin. Sa totoo lang, maraming established groups at organiza­tions kung saan mayroon silang proyekto at adbokasiya na makatutulong sa paglilinis ng kapaligiran at kalikasan tulad ng Save Philippine Seas, Greenpeace Philippines, Marine Wildlife Watch of the Philippines, Philippine Native Plants Conservation So­ciety, Philippine Biodiversity Conservation Foundation, Haribon Foundation, Waves for Water, Earth Island Institute, Wild Bird Club of the Philippines, World Wide Fund for Nature-Philippines, Philippine Reef and Rainforest Foundation, Inc. and Straw Wars PH at marami pang iba, kaya kung may time tayo, wala namang masama kung ise-search at makiki-join tayo sa kanila!

Tandaan, na ang kalikasan ay parang relasyon na kapag binalewala, panigura­dong masisira, kaya matapos man ang love month, dapat patuloy pa rin tayong mag-spread ng love hindi lang sa ating sarili at kapwa kundi maging sa ating Inang Ka­likasan, go for green!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page