Hay buhay!
Ganito, ang aking nasabi noong ako na lang ang namalagi.
Aanhin ang kayamanan at marangyang buhay
kung wala ka na sa aking tabi.
Hay buhay!
Nakapahirap mabuhay, puro problema ang namamagitan,
sa puso at sa aking isipan.
Hindi na alam kung ano ang dapat maramdaman, pero nandito pa rin
ako at patuloy na lumalaban.
Hay buhay!
Kailan kaya mawawala ang mga problemang aking pinapansan?
Puro hirap na lang ba ang aking mararamdaman hanggang sa maibaon na ako sa hukay?
Ayoko na ng ganito dahil sawang-sawa na ako.
Hay buhay!
Nanalig ako sa Maykapal na balang-araw ay gagaan din ang lahat
at masasabi ko nang masayang mabuhay dahil magaan at walang suliraning
hindi natatapos at nalalabanan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!