top of page
Search
BULGAR

Pantasya ng Bayan noon… JOHN LLOYD, 'DI NA MAKILALA, HAGGARD NA, MUKHANG PROBLEMADO PA

Rohn Romulo / RUN WILD

KUNG si Dingdong Dantes ay napapanatili ang pagiging yummy, parang dedma na lang si John Lloyd Cruz sa kanyang hitsura.

Muli ngang nagpakita si JL sa isang art fair, mahaba na ang kanyang buhok at kumpleto sa bigote at balbas.

May nagsasabi na maganda ang kanyang aura ngayon at masaya kahit na ganu’n ang kanyang hitsura, na malayung-malayo na talaga sa nakilala ng publiko noong aktibo pa siya sa pagiging aktor.

May nagsasabi rin na parang haggard siya at problemado, kaya hindi man lang makapag-ahit at papasa na raw itong maging character actor.

Pero sa tingin namin, mukha namang masaya si JL sa kinalalagyan niya, na malayung-malayo sa stress sa pagiging artista.

At ‘yun ang gusto niyang maging image ngayon, pakialam ba natin? Pero sana lang, ‘pag naisipan niyang magbalik-showbiz, ‘yung wish ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina na muli siyang maidirek ay mangyari.

Dahil sa true lang, nag-iisa pa rin si John Lloyd pagdating sa kahusayan sa pag-arte, kaya meron pa rin siyang babalikan kung gugustuhin lang niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page