Anak na naiinis sa nanay dahil masyadong mahigpit sa pera
- ROMA AMOR
- Feb 14, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Shara, 24 years old. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapagtatapos ng pag-aaral dahil ‘yung nanay ko ay masyadong mahigpit sa pera, kaya kahit sa pag-aaral ko, eh, nagiging problema rin ‘yung pera. Madalas kasi ay piling subjects lang ‘yung ini-enroll niya sa akin. Naguguluhan na ako sa kanya dahil sa sobrang higpit niya, ‘yung future at panahon ko ang nasasakripisyo. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko? Sana, matulungan ninyo ako. — Shara
Shara,
Alam, mo, girl, dapat mo ring ikonsidera ang pinagdaraanan ng nanay mo dahil baka gipit lang siya sa pera kaya namimili siya ng subjects na ie-enroll mo. Pero, kung may kaya naman kayo, pero ganu’n siya, ipaintindi mo sa kanya na gusto mo ng makapagtapos ng pag-aaral. Alam naming magkakaintindihan kayong dalawa basta pag-uusapan ninyo nang maayos. Kaya mo ‘yan, girl! Aja!