Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS aminin ng aktres na si Andi Eigenmann na 14 weeks na siyang nagdadalantao noong Feb. 1, sa isang Instagram post naman ngayon ay ibinahagi niya ang kanyang pinagdaraanan sa pagbubuntis sa pangalawang baby.
Makikita sa litrato ang pagsusuot ni Andi ng two-piece swimsuit kung saan ay mahahalata ang paglaki ng kanyang tiyan.
Aniya, “Have been experiencing every pitfall of pregnancy hormones specially because of the heat.”
Ayon sa aktres, tuloy pa rin ang kanyang pagiging summer girl sa kabila ng challenge sa kanyang pregnancy hormones dahil sa init.
Aniya, “But I will always be a girl of summer and what’s important is, there’s always a bright side to everything!”