Photo : worldslashercup.ph
SOLONG kampeon si American Chris Copas ng Kentucky, USA at kasamang CPB group ng Mindanao ang solong kampeon sa “2019 World Slasher Cup 9 -Cock Invitational Derby” noong Miyerkules ng gabi, Peb. 6 sa iconic Smart Araneta Coliseum.
Gamit ang Kelso, Roundheads at Sweaters na ipinadala kay Claude Bautista, umiskor ang CPB and Chris entry ng 9 -0 (panalo -talo) kartada para sa sungkitin ang prestihiyosong titulo.
Kung natalo si Copas sa last fight, tatlo sana ang kampeon kabilang ang nakalabang si Jomel Gatlabayan.
“The best roosters are here in the Philippines and winning the “Olympics of Cockfighting” is everyone’s dream.” sabi ng kaibigan ni Copas na si Joe Brown, 2018 Araw Ng Davao champ.
Isa pang American, si Belle Almojera ng Florida at Santi Sierra ng Cebu ang nakadale ng tig-7.5 puntos.
Kumuha ng mahalagang suporta ang host na Pintakasi of Champions mula kay Pitgames CEO Manny Berbano.
Panalo rin ang Birthday Gift 1 at 2 entries ng Team Alcala, na may walo at pitong panalo ayon sa pagkakasunod.
Mga seven pointers sina Nene Araneta, Biboy Enriquez, sabong idol Patrick Antonio, Jomel Gatlabayan at RGBA Friends, Jimmy Junsay, Doc Marvin Roicafort at Cris/Paolo Mercado. (MC)