top of page
Search
Donna Thea Topacio

Ayon sa mga eksperto... MATA NG ISDA, GOOD SA HEALTH!


KARAMIHAN sa atin ay kumakain ng isda, pero ang madalas na kinakain natin, eh, ‘yung laman at taba, pero knows ba ninyo na dapat ay kinakain din natin ang mga mata nito dahil ayon sa mga eksperto, ito umano ang pinakamasustansi­yang parte ng isda.

Talaga ba?

Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng isda ay talagang maganda sa kalusugan dahil hindi ito tulad ng karne na mabigat sa tiyan.

Gayunman, sa pag-aaral ng mga researcher, sinabi nilang ang pinakamasus­tansiyang parte ng isda ay ang mga mata nito dahil punumpuno ito ng nutrients na mainam para sa ating kalusugan.

Samantala, para sa ibang dalubhasa na nag-aral din tungkol dito, wala umanong nutrisyong makukuha sa mga mata nito, pero kung kakain nito ay wala namang masama dahil hindi naman ito nakalalason o nakasasama, kumbaga, wala itong side-effects sa ating katawan.

Samantala, masustansiya o hindi ang mga mata nito, ipinapayo ng mga eksperto na mainam kung uugaliin nating kumain ng isda dahil mayroon itong Omega-3 fatty acid na epektibong panlaban sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng diabetes, heart disease, cancer at iba pa.

Kaya kung dehins natin gus­tong magkasakit, knows n’yo na, ha?

Dagdag pa rito, kung gustong maging malinaw ang mga mata, bukod sa pagkain ng kalabasa at carrots o ‘yung mga supplement na may optein at lutein, eh, kumain din ng mga pagkaing mataas ang citrus tulad ng orange, lemon, calamansi at marami pang iba.

Maliban pa rito, kung ayaw ninyong gumamit ng mantika sa tuwing kakain kayo ng isda, mainam kung ibe-bake o igi-grill ninyo ito. Sa gani­tong paraan, tiyak na mas magiging healthy kayo, pero kung gus­to ninyo ng malutong na balat ng isda, puwede namang guma­mit ng olive, coconut at canola oil, oh, ‘di ba, bongga?

Kaya mga beshy, anumang paniniwa­la ang ating nalaman, mas better kung aalamin natin ang pinagmulan nang sa gayun ay hindi tayo maisahan. Char!

Have a beautiful and healthy life!

Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page