Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG nega ang naging reaksiyon ng mga netizens sa pagdadalantao ng aktres na si Andi Eigenmann kaya nang mag-post ito ng kanyang litrato na ipinapakita ang kanyang baby bump na kuha sa Bali, Indonesia ay umani ito ng batikos sa madlang pipol.
May isang netizen na nag-comment sa post ni Andi ng, “Sana Ands (Andi) pakasal ka muna, sayang.”
Sinagot naman ito ng aktres at sinabing, “You are in no place to tell me how I should lead my life. More so, tell me that I am ‘sayang’ because I am happily pregnant at 28 yo. I don’t expect nor intend for everyone to be pleased by how I see life, but your negativity is very unnecessary, and you may feel free to click unfollow.”
Bumawi naman ang netizen at sinabing fan siya ni Andi at sabay hirit na sana raw ay hindi maghiwalay ang aktres at ang kanyang surfer BF na si Philmar.
“People having different beliefs as I do, does not anger me. Otherwise, I wouldn’t have taken the time to let you know how your message made me feel. But we should learn to accept that every person is different and we have no right to shove our beliefs on others. I called you out because it’s such a shame when women bring other women down. Not because I am angry,” ang naging pahayag ng aktres.
May isang netizen naman ang confused na nag-comment at tinanong kung sino ang ama ng dinadala ni Andi at kung kasal na ba ito.
Buwelta ni Andi, “You needn’t be confused about not understanding the life of a person you absolutely do not know.”
May netizen din ang nag-congratulate kay Andi at tinanong kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang ina dahil nu’ng unang nabuntis daw ang aktres ay iyak nang iyak si Jaclyn Jose sa isang interview.
Ayon kay Andi, excited na excited na ang kanyang ina.
Aniya, “Of course. I’m already 28 she’s very excited!”
Unang in-announce ni Andi ang kanyang pregnancy nu’ng February 1 kung saan ay 14 weeks na siyang nagdadalantao. Gayunpaman, suportado ang pagbubuntis ni Andi ng kanyang ina at mga kapatid.