top of page
Search
BULGAR

‘Yung tipong kahit mainit, eh, naka-jacket ka pa... MGA TAONG MABILIS LAMIGIN, PRONE SA ANEMIA!

BRRR… sadyang malamig talaga ang panahon ngayon dahil ang sabi ng iba, eh, natutunaw na raw ang mga yelo sa ibang ban­sa. Gayunman, kahit dehins masya­dong malamig, eh, may mga tao pa ring mabilis lamigin at ayon sa mga eksperto, ang pagiging lamigin ay prone sa anemia at diabetes. Hala!

Sa pag-aaral ng mga researcher, natuklasan nila na ang mga taong mabilis lamigin ay maaaring nakararanas na ng sintomas ng iba’t ibang klase ng sakit, kabilang dito ang anemia, hypothyroidism, anorexia at diabetes kung saan hindi ito biro at kinakailangan ng medikal na solusyon.

Gayunman, mayroon ding mga taong kahit hindi dumaranas ng mga nabanggit na sakit ay sobra pa rin kung la­migin, ibig sabihin, manipis ang kanilang balat kung saan kahit kaunting lamig lang, eh, feeling nila ay tu­ma­tagos na kaagad ito sa kanilang mga buto.

Samantala, kung pakiramdam ninyo, eh, hindi na nor­mal ang inyong nararamdaman, mas mainam kung magpakon­sulta na kayo sa mga dalubhasa nang sa ga­yun ay hindi na ito lumala pa at magkaroon ng iba pang kumplikasyon.

Dagdag pa rito, marami ng paraan para hindi ma­ging anemic tulad ng pagkain ng atay at hindi pagpupuyat, ma­rahil, marami sa inyo ang guilty diyan, pero kung iisi­pin natin, marami talagang disadvantages ang pagpu­puyat kaya dapat ay itigil na natin ito. Tsk!

Gayundin, protektahan ang balat at gumamit ng lotion nang sa gayun ay magkaroon ito ng nutrisyon at sapat na proteksyon.

‘Ika nga nila, dapat sapat lang ang temperaturang ating nararamdaman dahil ang anumang sobra ay nakasasama talaga. Hmmm…

Kaya para sa mga beshy natin diyan na kahit wala sa ibang bansa kung saan may snow, eh, sobra na kung lamigin, alam n’yo na, ha?

Have a healthy body and skin, mga beshy!

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page