BOMALABS nang maka-rematch pa ni WBA regular welterweight champion, future Hall-of-Famer at boxing icon Manny Pacquiao ang Australian na si Jeff Horn ayon sa ulat ng BoxingScene. Natalo si Pacman sa kontrobersiyal na unanimous decision kay Horn sa Brisbane, Australia noong Hulyo 2017.
Ayon kay Pacquiao: ”I was willing to do a rematch with them but they didn’t want to. And now that I am back on top and they are coming off a loss, they are asking for a rematch. No way.” Samantala, sumagot naman si Horn sa Facebook, “For the record. I never denied a rematch. I don’t know who told you that?”
Bahagyang nalito lang si Pacman sa statement niya dahil si Horn ay hindi natalo sa huli niyang laban. Giniba ni Horn si Anthony Mundine sa first round noong Nob. 2018 pero nauna riyan malamang na tinutukoy ni Pacman ay ang pagkatalo ni Horn sa bisa ng TKO kay Terence Crawford noong Hunyo 2018.
Anuman ang mangyari, tama pa rin ang pasya ni Pacman na umiwas sa rematch kay Horn.
Maaalalang kontrolado naman ni Pacman ang unang mga round ng bakbakan nila ni Horn at halos maupos si Horn sa 9th round makaraan ang mga mababagsik na upak na dumadapo sa Australian. Bigla ring napagod si Horn dahil sa malulupet na suntok ng Pinoy at hinihinalang isang malakas na kaliwa ni Pacman ang nakatiyempo sa kanya.
May mga banat naman si Horn at kakaibang estilo ang nagpagihay kay Pacman. Nakakaiskor nang panaka-naka at nagsimulang umatake sa huling 4 rounds. Marami ang naniniwala na naangkin ni Pacman ang panalo pero may ilang mga credible na tao na hindi naisip na siya ay nagulangan ng Aussie.
Ayon sa komento ni Bryan Mazique sa Forbes. “I scored the fight a draw, but the 117-111 card for Horn was completely ridiculous. That’s the card that ignited the controversy more than anything. I felt Pacquiao proved he was the better fighter, much the way he did early in the first fight against Timothy Bradley, but he took his foot off the gas in the same manner and left the door open for an unfavorable decision.” (MC)