MGA sabong champs ang didiskarte sa semifinal round ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” ngayong Huwebes, Enero 31 sa 17, 000 - seat Smart Araneta Coliseum.
“It’s still a long way to go, anyone can wrest the title at this point,” ani Pitgames CEO Manny Berbano na todo-suporta sa Pintakasi of Champions (derby host). May 2 - 0 (panalo-talo) baraha sina Sta. Monica Cockpit owner Tady Palma at ‘Digmaan’ chairman Nestor Vendivil (tig-dalawang entries) para pangunahan ang mga liyamado.
Wala ring talo sina 2017 Pitmaster champ Paolo Malvar/Ryan Esteban, veteran Raymond Velayo/Lito Cay, Dante Eslabon, Jun Bacolod, Escolin Brothers, Buddy Puertas, Jervy Maglunob/Noel Cosico, GPE group, Alex Aguirre, Jojo Gatlabayan at RGBA Friends, Pros Antonio, Claude Bautista, Ricky Magtuto/Willard Ty, Ador Pleyto, Arnold Arenas, A. Bernos at Jeffrey/ Aylwyn Sy.
May isang panalo si Elmer Estoka ng Guam at puwedeng umiskor ng 5-0 (panalo -talo) habang kakasa rin si Butch Cambra ng Hawaii (1.5 points.).
Tig-iisang puntos sina Carlos Camacho at George Goitia ng California, Rene Peñalosa ng Australia, Wilbert Le Blanc at Richard Harris ng Louisiana at dapat ipanalo ang tatlong laban.
Ang mga pointers noong Martes: defending champion Patrick Antonio, Rep. Marvin Rillo at 2018 WSC 2 champ Rey Briones tig-dadalawang entries), Eman Fiscalizer, Americans Belle Almojera at Michael Mushburn/William Mamba, Ben Mondragon, Quezon governor Kulit Alcala, Jimmy Junsay, Mark Calixto, Claude Bautista at Dicky Lim. Suportado ang WSC 1 ng Thunderbird, Emperador at Powertrac. (MC)