top of page
Search

Gustong malaman ang batas na tumutugon sa kalusugan at nutrisyon ng bata at kanilang anak

BULGAR

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang partikular na batas na tumutugon sa malnutrisyon ng sanggol at maliliit na bata pati na rin sa kapakanan ng mga buntis? — Michelle

Dear Michelle, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Sections 4 at 5 ng Republic Act No 11148 o mas kilala sa tawag na “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act” kung saan ipinaliwanag ang layunin at sakop ng nasabing batas:

“Sec. 3. Objectives. – This Act specifically aims to:

a. Provide comprehensive, sustainable, multi-sectoral strategies and approaches to address health and nutrition problems of newborns, infants, and young children, pregnant and lactating women and adolescent females, as well as multi-factorial issues that negatively affect the development of newborns, infants and young children, integrating the short, medium and long-term plans of the government to end hunger, improve health and nutrition, and reduce malnutrition; xxx

Sec. 5. Coverage. – This Act covers those who are nutritionally-at-risk, especially pregnant and lactating women, particularly teenage mothers, women of reproductive age, adolescent girls, and all Filipino children who are born up to age twenty-four (24) months.xxx”

Ang layunin at sakop ng nasabing batas ay tugunan ang problema sa kalusugan at nutrisyon ng mga buntis at lactating na kababaihan, partikular na ang mga teenager na ina, kababaihan na nagdadalaga at lahat ng mga batang Pilipino na ipinanganak hanggang sa edad na dalawampu’t apat (24) na buwan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page