top of page
Search
Thea Janica Teh

Pangangati ng balat, mataas na lagnat, pamamaga atbp… MGA SINTOMAS NG SAKIT SA BATO O KIDNEY

Bulgarific Lifestyle

FISHBALL, kikiam, balut, chicharon, mani, chicken skin, isaw, barbeque, ilan lamang ito sa mga street food na kinaaadikan natin. Bukod kasi sa masarap itong pangmeryenda, eh, aminin na nating, sinubukan din natin itong gawing ulam sa kanin, ‘di ba?

Pero, ‘ika nga, masama kapag nasosobrahan hindi lang sa pag-ibig kundi pati na rin sa pagkain ng maaalat tulad ng mga nabanggit. Hindi natin alam, bigla na lang tayong magkakaroon ng problema sa kidney o bato natin. Kaya para maagapan agad ang pagkakaroon ng sakit na may koneksiyon sa ating kidney, alamin, ang mga sintomas sa pagkakaroon ng kidney problem:

1. DRY AT PANGANGATI NG BALAT. Isa sa mga early sign ng mga taong may problema sa kidney ay ang panunuyot at paninilaw ng balat, pagkakaroon ng rashes at hyperpigmentation. Ito ang nagiging dahilan ng excess amount ng phosphorus na hindi nailalabas ng katawan o intoxication.

2. MABAHONG HININGA. Maraming sakit ang nagiging dahilan ng mabahong hininga at isa rito ang Urinary Tract Infection (UTI). Kapag ang tao ay may kidney problem, naaapektuhan din ang kanyang metabolism kung saan hindi nailalabas agad ang lahat ng kinakain nito kaya napupunta ito sa gastrointestinal tract. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng metallic taste at faint smell ng ammonia.

3. LAGING GINIGINAW. Ang taong may kidney problem ay madalas na giniginaw, mainit man ang panahon o malamig. Pinababagal kasi nito ang production ng erythropoietin hormone o ang nag-i-stimulate sa production ng red blood cell sa ating bone marrow. Isa na ring sign ng kidney problem ay ang pagkakaroon ng chronic anemia.

4. PAMAMAGA. Isa ito sa mga napapansin kaagad kapag ang tao ay may kidney problem kung saan namamaga ang paa, mukha at eyelids. Ito ay dahil sa naiipong tubig sa ating katawan. Kasabay din nito ang pamumutla at pagkakaroon ng dry skin. Iba pang sintomas nito ay migraine, pananakit ng buto at muscle at sleepiness.

5. MATAAS NA LAGNAT. Ilang sintomas din ng kidney problem ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pananakit ng likod, balisawsaw at minsan ay pagsusuka. Kadalasang nakararanas nito ay ang kababaihan dahil sa kanilang urinary system.

6. MUSCLE CRAMPS. Ang chronic muscle cramps ang nagiging dahilan ng imbalance ng electrolytes sa ating katawan, pero hindi lang ang mga microelement ang dahilan ng muscle cramps kundi pati na rin ang excess liquid sa ating katawan.

Kaya mga besh, hinay-hinay lang sa pagkain ng maaalat at ugaliing uminom ng maraming tubig lalo na sa mga may diabetes, blood pressure problem, heart problem, mga naninigarilyo at may edad na 60 pataas dahil mas mataas ang chance ninyong magkaroon ng kidney problem.

Kaya kapag naramdaman na ang mga early sign, agad nang magpakonsulta sa doktor.

Okay?

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page