Shoutout sa mga hindi na iniwan ng kanilang pimple riyan… KAHULUGAN NG TAGHIYAWAT SA KATAWAN
- Jersey Sanchez
- Jan 23, 2019
- 2 min read

NAKAIINIS ang magkaroon ng pimples o acne sa iba’t ibang parte ng katawan, ‘di ba? Knows ba ninyo kung ano ang sanhi ng mga ito? Hmmm… kung hindi pa, lodi, narito ang dahilan sa pagkakaroon ng pimples sa bawat parte ng katawan:
1. FOREHEAD. Ayon sa mga eksperto, problema sa digestive system ang dahilan ng pagkakaroon ng taghiyawat sa noo. Upang ma-flush ang toxins sa digestive system, inirerekomenda ng mga ito na bukod sa hindi pag-inom ng processed na inumin, uminom ng mas maraming tubig at magkaroon ng balanced diet.
2. CHIN. Ang pagkakaroon ng taghiyawat sa chin area ng kababaihan ay nagsasabing, may hormonal imbalance. Inirerekomenda ng mga eksperto na huwag magpuyat at mag-diet para maiwasang magkataghiyawat sa chin area, ngunit, kung hindi epektibo ang nasabing mga paraan, mabuting kumonsulta sa mga eksperto upang masigurado kung ano ang sanhi ng taghiyawat.
3. CHEEKS. Problema sa respiratory system naman ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng taghiyawat sa pisngi, gayundin ang exposure sa usok at alikabok. Ayon sa mga eksperto, siguraduhing malinis ang mga bagay na madalas dumidikit sa mukha tulad ng makeup brush, pillowcase at cellphone upang maiwasan ang paglipat ng mga bacteria.
4. T-ZONE. Pagitan ng kilay, ilong at chin area — ito ang mga parte ng mukha na pinaka-oily kung saan ang pagkakaroon ng taghiyawat sa area na ito ay nagsasabing, may gastrointestinal imbalance o food allergen ang indibidwal. Samantala, ang taghiyawat sa T-Zone, partikular sa ilong ay nagsasabing, may problema sa kidney at atay.
5. BACK, ARMS AND THIGHS. Hormonal fluctuations at genetics ang dahilan sa pagkakaroon ng taghiyawat sa likod, braso at hita, gayundin, ang pawis ay maaaring maka-irritate sa balat dahilan para magkaroon ng taghiyawat ang nasabing mga parte ng katawan. Magsuot ng hindi gaanong masikip na damit upang maiwasan ito.
Oh, ayan, mga lodi, ngayong knows n’yo na kung anu-ano ang sanhi ng nakai-stress na taghiyawat sa iba’t ibang parte ng katawan, keri n’yo na itong iwasan, gayundin, panatilihin nating malinis ang ating mga kamay at paligid upang maiwasan ang pagkakaroon ng bakterya sa katawan.
Copy?
Comments