top of page
Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa palad… BABAENG NAKATAKDANG MAGING DOMESTIC HELPER

KATANUNGAN

  1. Nag-a-apply ako sa abroad ngayon bilang domestic helper. Kaya nais kong malaman kung makapag-a-abroad ako ngayong taon at kung sakaling makapag-abroad ako, susuwertehin kaya ako sa ibang bansa?

  2. Nais ko ring malaman kung may pag-asa ba akong yumaman? Balak ko kasing magnegosyo kung sakaling makaiipon ako ng sapat na puhunan.

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing malinaw, malawak at mahaba ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na madaling kinumpirma at pinatunayan ng iyong lagda na umaalun-alon at lumilipad.

  2. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang positibong pangyayaring magaganap sa iyong kapalaran patungong abroad sa takdang panahong inilaan ng iyong kapalaran.

  3. Ang pag-a-abroad na nabanggit ay muling kinumpirma at pinatunayan ng birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) kung saan sa edad mong 25 pataas sa kasalukuyan (ang 25 ay 7 din, dahil 2+5=7), may mahalagang pangyayaring magaganap sa iyong karanasan at ang pangyayaring ito na magaganap sa iyong buhay ay isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na magaganap sa edad mong 25 pataas.

  4. Kaya kung walang tigil ang pagpupursige mo para makapangibang-bansa, darating ang panahong makaiipon ka ng malaking halaga ng pera na maaari mong magamit na puhunan upang lalo pang umunlad at sumagana ang inyong kabuhayan na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng destiny number mong 5 (11+25+1994=2030/ 20+30=23/ 2+3=5).

DAPAT GAWIN

Ms. Sagittarius, ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap ngayong 2019, pinakamatagal na sa buwan ng Oktubre o kaya ay Nobyembre, sa edad mong 25 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kaparalan na magiging simula upang ang kabuhayan mo ay unti-unti na ring umunlad at sa bandang huli kapag nagnegosyo ka na maaaring sa taong 2030, sa edad mong 36 pataas, mabilis na lalago ang iyong negosyo hanggang sa tuluy-tuloy ka na ring yumaman (Drawing A. at B. H-H arrow b.).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page