top of page

Razorback drummer, tumalon mula 34th flr. | SUICIDE, NAKA-FB LIVE

  • Mylene Alfonso
  • Jan 17, 2019
  • 1 min read

DUROG ang ulo ng drummer ng Filipino rock band na Razorback matapos nitong tumalon mula sa ika-34 palapag ng condominium tower kahapon ng umaga sa Malate, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Eric Magpale, namatay noon din si Brian Velasco, 41, drummer ng naturang banda mula pa noong 1996.

Nabatid na alas-10:00 ng umaga nang ipagbigay-alam sa MPD-HS ang ginawang pagtalon ni Velasco sa City Land Tower na matatagpuan sa Vito Cruz Street sa Malate, Manila.

Bumagsak ang katawan ni Velasco na una ang ulo sa canopy, mula sa ika-34 palapag ng condo tower na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Gayunman, nakiusap ang pamilya ng nasawi na huwag nang imbestigahan ang pangyayari dahil sa paniniwalang walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Velasco.

Ayon sa imbestigador, posibleng dumaranas ng depresyon ang biktima at ito ang maaaring dahilan kung bakit nito nagawang wakasan ang sariling buhay.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Dudee Alfonso, promoter ng banda ang suicide at sinabing bago nagpakamatay ay nagpaalam pa sa kanyang mga kaibigan sa isang group chat page si Velasco.

Ang pagpapakamatay ng biktima ay naka-Facebook live pa umano at ilang kaibigan at followers niya ang nakakita sa pangyayari. Gayunman, ang naturang live video ay inalis na sa FB bago pa man maging viral.

Base sa kumalat na kopya ng FB live video ni Velasco, nagpaalam pa ito sa kanyang mga kaibigan at naghabilin sa isang ‘Mel/Miles,’ na alagaan na lamang nila si ‘Pochito.’ “Mel.... Miles... pakialagaan niyo na lang si Pochito... okay?” habilin pa ni Velasco. “Here I go... Here I go,” ani Velasco, bago tuluyang tumalon sa gusali.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page