TAMA nga ang sabi ni Ogie Diaz na hindi talaga kaya ni Kris Aquino na manahimik dahil kahit pinapayuhan na ng doktor na magpahinga muna sa social media, sige pa rin ang post niya.
Panay ang update ni Kris ng mga nangyayari sa kanyang pagpapa-check-up sa Singapore. Latest post niya kahapon ay ang video habang ibinabalik siya sa room at makikita ang priceless reaction ni Bimby nang makita ang ina. “When they showed me phone videos so i could edit this, Bimb’s reaction, his smile of relief, okay na okay na po ako.
“Sa inyong lahat na nagmalasakit, maraming salamat po. Sa inyo nanggagaling ang aking tiwala na patuloy magdasal at ‘wag mawalan ng pag-asa dahil kayang ituloy ang laban,” ang bahagi ng post ni Kris.
Habang wala naman siya ay patuloy pa rin ang controversy ng kaso nila ni Nicko Falcis. Ang latest naman ngayon ay ang report ni MJ Marfori ng TV5 na pinadalhan daw sila ng sulat ng abogado ni Kris na nagpapaalala na maging maingat sa pag-ere ng mga pahayag ng dating business partner.
Paliwanag ni MJ, “Kami po sa News 5 ay tinitiyak na patas ang aming pagbabalita at sinisikap na kunan ng panig ang bawat kampong sangkot sa issue.
“Bagama’t meron pong programa sa Radyo Singko ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis ay wala po kaming pinapaboran.”