top of page
Search
Maeng Santos

4 timbog sa sugal at shabu


APAT na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang babae ang naaresto sa anti-illegal gambling operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Prince Albert Alingog, 36; Randy Garcia, 25; Edwin de Asa, 35, at Anita Adel, 42, sewer, pawang mga residente ng Bgy. 28 at nasa barangay drug watchlist.

Ayon kay Caloocan Police Community Precinct-2 Commander PCI Merben Bryan Lago, alas-10:25 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo na naglalaro ng iligal na sugal (baraha) sa Kawal Street.

Pagdating sa naturang lugar, naabutan ng mga pulis ang mga nagsusugal na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito kung saan narekober ang P90 bet money at isang set ng baraha, habang ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu ay nakumpiska naman kina Alingog, Garcia at De Asa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page