top of page
Search

Join na sa family ng aktres… ALEX AT BF, KASAL NA LANG ANG KULANG

Nitz Miralles

‘KATAWA ang nabasa naming sagot ni Alex Gonzaga sa isang netizen sa Instagram (IG). Sabi ng netizen na basher ni Alex, “Happy New Year!!! Love you all except You,” na mabilis sinagot ni Alex ng “Same to your fam except you.”

Natawa na lang ang mga nakabasa sa sagot ni Alex dahil hindi talaga siya patatalo lalo na kung wala sa lugar ang pamba-bash sa kanya. Saka, hindi ba alam ng basher na si Luis Manzano lang ang binigyan ng karapatan ni Alex na mang-bash at mang-bully sa kanya?

Napansin pala namin sa family picture ng mga Gonzaga para sa New Year na kasama na ang boyfriend ni Alex. Belong na sa Gonzaga family si Mikee Morada at kulang na lang, magpakasal na ang dalawa.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page