SA loob na ng kulungan magdiriwang ng Bagong Taon ang anim katao na naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na anti-gambling operations sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdie del Rosario, alas-11:55 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng PCP-2 sina Joselito Esquillo, 26, at Ronnel de Mesa, 31, sa kahabaan ng Lourdes Street dahil sa paglalaro ng cara y cruz.
Narekober ng mga pulis ang ilang gambling paraphernalias at dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu.
Alas-10:30 naman ng gabi nang masakote din ng mga tauhan ng PCP-1 sina Arcelito Daray, 40, at Teodoro Bornia, 63, sa BMBA Compound, Bgy. 120, Caloocan City dahil sa paglalaro ng cara y cruz.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang transparent plastic sachets ng shabu at ilang gambling paraphernalias.
Sa Bgy. 179, arestado rin ng mga tauhan ng PCP-4 sina Gabby Gulapa, 37, Sandy Aderes, 27, at Randy Reyes, 38, sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Balimbing Street, Gate 1 Amparo Subdivision.
Nakumpiska ng mga pulis ang P330 bet money at 3 peso coins na gamit bilang ‘pangara’ habang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha kay Gulapa.