top of page
Search
BULGAR

Malinaw ayon sa palad...BEBOT NA NAKATAKDANG HINDI MAKATULUYAN ANG KASALAKUYANG BF DAHIL ITO AY MAY


KATANUNGAN

1. May boyfriend ako ngayon, pero napansin ko sa guhit ng kanyang mga palad na maraming bilog ang kanyang Heart Line at may isang bilog naman ang Head Line. Ano ang ibig sabihin ng mga guhit na ito?

2. Sa ngayon ay hindi pa ako seryoso sa relasyon namin. Sa palagay ninyo, compatible ba kami at ano kaya ang kahihinatnan ng relasyon na­min? Magpapatuloy ba ito o magbe-break din kami, balang-araw?

KASAGUTAN

1. Siguradong kapag ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang lalaki ay maraming bilog o malakadenang Heart Line (arrow a.), ito ay tanda na ang nasabing lalaki ay may pagkabakla.

Sa Medical Palmistry, ang malakadenang bilog sa Heart Line (h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ay indikasyon ng pagiging mahina ng kanyang kalusugan o sa madaling salita, siya ay sakitin.

2. Hindi ito kaagad mahahalata, sa halip, kailangang kumpirmahin ito ng dalawang palatandaan sa mga palad. Ang una ay ang bilog o island sa Head Line (Dra­wing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad at ang pangalawang kumpirmasyon ay kung may pagka­bakla ang nasabing lalaki ay nagdodoble ang Venus Line (Drawing A. at B. V-V arrow c.) sa kaliwa at kanan niyang palad.

3. Kung nasa katangian ng boyfriend mo ang nasa­bing tatlong mahahalagang palatandaan, tiyak na ma­lambot siya, bagama’t, naitatago pa niya ito ngayon, sa bandang huli, kapag matagal na kayong magkakilala, mapapansin mo rin ang kanyang pagiging bading tulad ng pagpilantik ng kanyang mga daliri at pagiging sobrang dakdak o makuwento kahit hindi mo siya tinatanong o kinakausap hanggang sa bandang huli, matutuklasan mong bukod sa iyo ay may lihim pala siyang pagtingin sa mga guwapo at maskuladong kapwa niya lalaki.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Sandy, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing, hindi pa magaganap ang seryoso at lehitimong relasyon sa ka­salukuyan, sa halip, ang unang magiging boyfriend mong totoo, seryoso at pangmatagalan ang siya na ngang ma­papangasawa at makakasama mo, habambuhay na nakatakdang dumating at maganap ngayong susunod na taong 2019, sa buwan ng Abril, sa edad mong 24 pataas.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page