Dapat gawin para maging regular ang pagdumi
- BULGAR
- Dec 30, 2018
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Ako ay 51 years old at may katabaan. Nahihirapan ako sa pagdumi kung minsan lumilipas ang ilang araw na hindi talaga ako nakadudumi. Nakapagtataka dahil malakas ako sa pag-inom ng tubig. Normal ba ito, ano ang mainam na gawin tungkol dito? — Helen
Sagot
Iniisip natin na dapat tayong dumumi o pumunta sa banyo, araw-araw, pero normal lang sa iba ang dumumi ng 1 o 3 beses sa isang araw at okay lang din ang dumumi ng 3 beses sa isang linggo.
Kung 2 beses lang nagdudumi, maaaring normal ito sa’yo. Marahil, dahil kaunti lang ang kinakain mo o meron kang constipation o pagtitibi. Madaling malaman ito dahil matigas ang dumi, mahirap magdumi at pakiramdam mo ay hindi nailabas lahat.
Narito ang mga dapat gawin para maging regular ang pagdumi:
• Damihan ang pagkain ng gulay at prutas.
• Mag-exercise 3 beses sa isang linggo.
• Uminom ng maraming tubig.
• Huwag pigilan ang pagpunta sa banyo.
Comments