DEDO ang anak ni dating Malabon City Mayor Amado ‘Boy’ Vicencio habang sugatan naman ang dalawang kasama nito matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa MCU Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa ulo si Ariel Vicencio, 53, negosyante ng Bgy. Potrero.
Ginagamot naman sina Jomel dela Cruz, 23, at Rolando Torres, 58, sanhi ng tama ng shrapnel sa katawan.
Ipinag-utos na ni Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang follow-up investigation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.
Ayon kina PO3 Julius Mabasa at PO2 Philip Cesar, alas-3:15 ng madaling-araw, palabas ang mga biktima sa Del Monte Cockpit Arena sa Del Monte St. corner Banana Road, Bgy. Potrero at pagsapit sa parking lot ay pinagbabaril si Vicencio sa ulo ng isa sa dalawang suspek na kapwa naka-jacket, bonet at helmet.
Kabilang sa tinitingnan anggulo na motibo sa insidente ay may kaugnayan sa negosyo o personal na alitan.