top of page
Search
Maeng Santos

Patrol na tricycle, nabangga | TANOD PISAK SA TRAK

TODAS ang 62-anyos na tanod habang sugatan ang dalawa pa nitong kasa­mahan matapos tumilapon at magulungan ng trak sa Valenzuela City, kamaka­lawa ng gabi.

Sa ulat ng Traffic Ma­nagement Bureau ng Valen­zuela-PNP, nakilala ang namatay na si Antonio An­geles, tanod ng Bgy. Dalan­danan. Nakilala naman ang da­lawa pang sugatan na sina Pedro de Leon, 57, at Gerar­do Valdez, 65, kapwa gina­ga­mot sa Valenzuela Medi­cal Center.

Batay sa inisyal na im­bestigasyon ni PO3 Julio Fernando, alas-11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng McArthur Highway malapit sa harap ng barangay hall.

Galing umano sa pagro­ronda ang mga biktima nang banggain ang kanilang sina­sakyang patrol na tricycle ng Isuzu Highlander na mina­maneho ni Raymundo Mar­celo, 50, ng Loma de Gato Heritage, Marilao, Bu­lacan.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ang mga biktima ngunit, sinamang- palad namang magulungan ang isa sa mga ito ng papa­rating na trak na minamane­ho ni Francis Faustino, 33, kaya halos maputol ang isa sa mga paa ni Angeles.

Napag-alaman na lasing umano ang driver ng trak kaya hindi niya agad naga­wang ma­kapagpreno at ma­sa­pol ang paa ni Angeles.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page