top of page
Search
BULGAR

Slow-mo swirl sa Miss U, iniyakan daw nang todo… NABULGAR: CATRIONA, MAY SCOLIOSIS!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

BINAHAGI ng beauty queen at hurado sa It’s Showtime na si Nicole Cordovez sa Tonight with Boy Abunda ang ilan sa mga pagsubok na pi­nagdaanan ng bagong Miss Universe na si Catriona Gray.

Ayon kay Nicole, pinaghirapan at iniyakan talaga ni Catriona ang kanyang sikat na slow-mo twirl dahil may scoliosis ang beauty queen.

Kuwento nito, “Pinraktis niya po ‘yan with Kuya Carlos ‘Kuya Caloy’ Buendia, Jr. at may scoliosis siya, Tito Boy. So, ‘yung first few practices nila, talagang umiiyak siya. Kasi ‘yung posture pa lang na you’re going to pull yourself like this para straight na straight ‘yung body mo and you get the curves, ang hirap para sa kanya.”

Lingid sa kaalaman ng lahat, may mga naging pagsubok din si Catriona habang nagaganap ang kompetisyon.

Sabi ni Nicole, “Everything that could go wrong went wrong,” habang nagaganap ang pageant.

Bukod sa problemang kina­a­rap ni Catriona sa presentation ng national costume kung saan hindi umilaw at ubod nang bigat ang kan­yang suot, nagkaroon din daw ito ng aberya sa swimsuit competition.

Ani Nicole, “Nu’ng sa swim­­suit, si Venezuela nangain ng air time. Makikita n’yo sa likod si Catriona, nagbabagal para magawa niya sa camera ‘yung slow-mo twirl niya, so medyo nag-off ‘yung timing, ‘yung camera panning…”

At maging sa long gown competition, ani Nicole, “Sa long gown, nag-swirl siya, sumabit ‘yung hair niya kasi one-sided lang dapat ‘yun, eh. Itina-try niyang hawiin ‘yung hair niya pabalik,” pero napakakalmado raw ni Catriona at na-pull through ang problemang kinaharap.

Kaya ang naging lesson daw ni Nicole sa journey ni Catriona as Miss Universe ay, “You don’t rely on luck… you pave your own way and you intend to fulfill your destiny for yourself and that’s just what Cat did.”

‘Ika nga ni Catriona, let’s see every situation with a silver lining and look for the beauty in everything.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page