top of page
Search

Kahit anong prutas pa raw ang sangkap nito, lodi! FRUIT SALAD, KERING MAKAKINIS NG BALAT!

BULGAR

BUKOD sa lumpiang shang­­hai, fruit salad ang isa sa mga hin­di mawawala tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon. Pero, knows ba ninyong kahit nakadaragdag ito ng calories sa atin dahil sa gatas at asukal na sangkap nito ay may magan­dang epekto rin ito sa ating kalusugan na tiyak na ikabibi­lib ninyo? Woah!

Ang fruit salad ay kadalasang ini­hahain bilang appetizer o dessert lalo na kung medyo nakau­u­may ang kinain nating ulam o main course.

Gayunman, kahit uma­no matamis ang fruit salad, mainam pa rin ito para sa ating lahat dahil ayon sa mga dalubhasa, ang prutas daw ay composed of water kaya wala itong ca­lories, pero dahil sa gatas at asukal na inilalagay dito, nag­kakaroon ito ng calories na maaaring makapagpataba sa atin.

Samantala, ang prutas ay nakare-reduce ng body fat, aid digestion at metabolism.

Ito rin ang pinagkukuhanan natin ng fiber na solusyon sa constipation at nakape-prevent ng panganib sa pag­kakaroon ng colon cancer.

Ang fruit salad ay nagkokontamina ng antioxidant properties na respon­sable sa pagtanggal ng mga dumi sa ating kata­wan.

Gayundin, kung mayroon naman kayong dry hair o kahit ano pang prob­lema sa balat, maaari ring ma-solve ng fruit salad ‘yan. Ito ay dahil sa pag-aaral, natuklasan ng mga eksperto na may­roon itong carotenoids, ang antioxidant na nagmumula sa makukulay na prutas na nakare-reduce ng pagiging sensitibo ng ating balat at nakatutulong ito sa pagpo-produce ng collagen na naka­pag­papalakas ng capillaries sa ating anit.

Kaya naman ngayong Holiday Season, make sure na mayroon kayong fruit salad sa hapag-kainan, mga beshy!

Copy?

 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page