top of page
Search

Lalo na kapag nakatanggap kayo ng malaking pera, besh! TIPS SA MATALINONG PAGGASTOS NG AGINALDO NGAY

BULGAR

SINO ba ang hindi mae-ex­cite sa araw ng Pasko kung ma­laki ang makukuha mong aginaldo? Kaya naman para makatulong tayo sa mga mil­lenial na mahilig gumastos diyan, narito ang matalinong mga paraan sa paggastos ng in­yong mga napamaskuhan:

1. BUY USEFUL THINGS. Hindi lamang ito ‘yung mga bagay na gusto natin kundi ‘yung mga alam nating mapaki­kinabangan natin sa mahabang panahon tulad ng cellphone, laptop at iba pa.

2. TREAT YOUR FAMILY. Kung masaya ka sa natanggap mong aginaldo, mainam kung ibabahagi mo ito sa mga taong mahalaga sa iyo. Hindi na uso ang pagiging maramot, besh, ‘ika nga, give love on Christ­mas Day!

3. WATCH CINEMA. Sa araw ng Pasko, maraming palabas sa sinehan na tiyak na magugustuhan ninyo. Kaya imbes na maubos ang pera ninyo sa wala, manood kayo ng sine dahil for sure, magiging memorable ito para sa inyo.

4. GO TO NEW PLACES. Gawin mong pocket money ang napamaskuhan mo sa iyong pagpunta sa mga lugar na matagal mo nang gustong puntahan tulad ng museums, carnivals at marami pang iba.

5. WATCH BASKET­BALL GAMES. Para sa mga aports natin diyan na mahihilig sa sports, why not na manood ng basketball games? Tiyak na worth it ang gagastusin ninyo sa panonood lalo na kung ang koponan na inyong sinusupor­tahan ay mananalo. He-he-he!

6. SAVE IT FOR YOUR ALLOWANCE. Kung wala ka namang gusto at kakaunti lang ang sa tingin mong magagastos mo sa iyong aginaldo, mainam kung itira mo na lang ito para sa allowance mo lalo na at hindi pa naman tapos ang pasukan, nakatulong ka pa kina nanay at tatay. Oh, ‘di ba, bongga?

7. START SMALL BUSINESS. Ibig sabihin, mag-isip kayo ng negosyong maliit lang ang puhunan na kaka­ilanganin para makapagsimula kayo tulad ng pagtitinda ng ice candy, wallet, medyas at marami pang iba. Mainam ‘yan para habang bata pa kayo, eh, business minded na.

8. INVEST THINGS FOR SCHOOL. Halos mata­tapos na ang pasukan at malamang sira na ang inyong mga kagamitan tulad ng sapatos at bag, gayundin na nawala na ang mga ballpen na noon ay sobra ninyong iniingatan. Kaya naman habang may pera pa kayo, bumili na kayo ng school supplies dahil panigurado namang magagamit n’yo pa ito sa eskuwelahan.

Oh, ayan, ha, now you know kung paano maging wiser sa paggastos ng inyong mga napamaskuhan? Huwag puro milk tea at samgyeopsal na nakatataba lang naman. He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page