top of page
Search

8 patay matapos tumagay | INGAT SA LAMBANOG — FDA

Madel Moratillo

IINIIMBESTIGAHAN na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga lambanog na ininom ng 8 katao na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at Laguna.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, aalamin din kung rehistrado ang mga lambanog na ininom ng mga biktima.

Tutukuyin din kung kontaminado ang naturang nakalalasing mga na inumin na gawa mula sa sabaw ng niyog.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Domingo ang publiko na bumili at gumamit lamang ng mga produktong rehistrado ng FDA upang matiyak na ligtas ang mga ito.

Nauna rito, apat na tricycle drivers ang namatay at 13 iba pa ang naospital nang uminom ng lambanog sa Novaliches, Quezon City, habang apat naman ang namatay at dalawa ang kritikal nang uminom ng lambanog sa Sta. Rosa, Laguna.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page