TAHASANG tinutulan ni Alvin Aguilar, pangulo ng Wrestling Federation of the Philippines (WFP) at founder ng Universal Reality Combat Championship (URCC), ang pagpapasama sa mixed martial arts sa binuong Philippine Boxing Commission (PBC).
Ayon kay Aguilar, hinahangaan niya ang simpatiya at pagkalinga ni Senator Manny Pacquiao sa boxing, subalit tinututulan niya maging ng MMA na maisama ang organisasyon sa pangangasiwa ng PBC na inaasahang lalarga sa Hulyo sa susunod na buwan.
Nitong nakalipas na buwan, nakakuha ng sapat na suporta si Pacquiao, chairman ng Senate Sports Committee sa mga Senador para maisabatas ang pagbuo ng Philippine Boxing Commission na siyang mangangasiwa sa professional boxing.
Sa inisyal na budget na P150-M, isinama rin sa naturang commission ang MMA. Ang boxing at mixed martial arts ay parehong nasa pangangasiwa ng Games and Amusement Board (GAB) na pinamumunuan ni Abraham ‘Baham’ Mitra.
“The Philippine mixed martial arts movement starter with the Games and Amusement Board (GAB) since 2003. They have always been integral in ensuring the safety of the fighters ever since they have been governing the sport. All concerns regarding the fighters, promoters, managers and even the ring announcers have been monitored completely by their office,” pahayag ni Aguilar sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa NPC Bldg. sa Intramuros, Manila.
Aniya, nagsumite na ang URCC ng kanilang petisyon hinggil dito sa Senado at sa House of Representative kung saan dinidinig ang bersiyon ng naturang batas.
“Under the GAB, wala kaming problema. Libre pa ang medical test ng lahat ng aming fighters. If they want boxing let it be, but the mixed martial arts is definitely NO for this,” sambit ni Aguilar.
Ikinagulat niya ang pagkakasama ng MMA sa boxing commission. “Kaibigan ko rin si Senator Pacman.
He also supporting MMA, but on this aspect I say NO. “All of the records show that all of the local promotions have never experienced serious injuries or any death under the guidance of GAB,” sambit ni Aguilar. Sa isinumiteng petition paper ng GAB, iginiit ng ahensiya na ang House Bill No. 6158 at House Bill No. 8257 na nagbubuo at nagbibigay ng pondo sa Philippine Boxing Commission ay mistulang duplikado lang sa gawain at responsibilidad na matagal nang nagagawa ng GAB sa nakalipas na limang dekada. (MC)