top of page
Search
BULGAR

Ayon sa mga eksperto...PAGBUBUHAT NG BARBELL, EPEKTIB NA PANLABAN SA SAKIT SA PUSO!

ANG pagbubuhat ng barbell ay ginagawa bilang ehersisyo dahil nakapagpapalakas at nakapagpa­pa­tibay ito ng muscles. Pero, knows ba ninyo na ang pagbubuhat ng barbell ay nakababawas ng tsansa sa pagkakaroon ng heart attack at stroke?

Wow, amazing!

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Iowa State University, ang pagbubuhat ng barbell ng isang oras kada linggo ay nakababawas ng tsansa sa pagkakaroon ng stroke at heart attack ng 70 porsiyento.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa 13,000 katao sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa kanilang resistance exercise at cardiovascular disease na nararanasan sa kasalukuyan.

Ayon kay Dr. Duck-chul Lee, as­sociate professor ng Kinesiology, hindi kailangang maglaan ng maraming oras sa weightlifting o re­gular na pagpunta sa gym upang ma­kuha ang na­sabing mga bene­pisyo.

Bukod pa rito, hindi lamang barbell ang maaari ninyong buhatin kundi maging ang mabibigat na shopping bags at dumb-bells din.

Sa katunayan, mas marami umanong benepisyo ang naibibigay ng pag­bubuhat kung ikukumpara ito sa regular na pagtakbo.

Napag-alaman ng mga researcher na nakatutulong din ito sa metabolismo upang hindi maipon ang excess fats na maaaring magdulot ng high blood pres­sure na sanhi ng stroke at diabetes.

Gayundin, ang karagdagang aerobic activity ay walang naidagdag na benepisyo sa pagbubuhat ng barbell.

Nakatutulong din umano ang pagbubuhat upang maiwasan ang obesity at mayroon din itong long-term benefits sa kalusugan.

Lumabas din sa resulta ng pag-aaral na ang paglalaan ng isang oras sa loob ng isang linggo para magbuhat ng barbell ay nakapagpapababa ng 29 na por­siyento ng tsansa na maka-develop ng metabolic syndrome at nakabababa ng 32 porsiyento ng high cholesterol.

Oh, ayan mga bro at sis, hindi lang pala pampalaki at pampatibay ng muscles ang pagbubuhat. Kaya naman alam n‘yo na ang gagawin ninyo upang maka­iwas sa stroke at heart attack.

Palaging tandaan, stay healthy! Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page